It is my first time to watch Pia Wurtzbach and Gerald Anderson’s movie “My Perfect You”. And one thing that caught my attention is what Pia told Gerald, to Think Happy Thoughts!
Sa movie, si Burn (Gerald) ay nakarananas ng maraming problema tulad ng pag-NO sa kanya ng kanyang girlfriend nung inaya nya itong magpakasal. At dahil dyan, napabayaan nya na din ang kanyang trabaho at meron pala siyang mental condition “Schizophrenia“. At sa tuwing tumatakas siya sa problema, nakikita nya si Abi (Pia) na akala nya ay totoo pero imagination nya lang pala. Si Abi ang nagturo sa kanya kung paano ulit maging masaya sa kabila ng maraming problema.
Oo maaring imagination nya lang si Abi sa Happy Sunshine Camp pero dahil nasa isip ni Burn ito, ibig sabihin kahit marami man tayong pinagdadaanan ngayon, kaya nating labanan ang lungkot by always “Thinking Happy Thoughts”.
Dahil sa social media, lahat ng bagay ngayon ay mabilis. Lahat ngayon nakikita na natin pati pagkain at ginagawa ng mga kaibigan mo.
Kamusta ka ka-NOYPi?
May pinagdadaanan ka ba ngayon? Mababa ang grades mo? May nang-iwan ba sayo? May nanakit ba sayo? Nawalan ka ba ng trabaho? Bakit lagi ka na lang failure sa mga ginagawa mo? Ang dami mong utang? Wala kayong masyadong handa ngayong Pasko? May sakit ang kapamilya mo?
Sa tuwing nalulungkot ka sa sitwasyon mo ngayon, isipin mo yung mga taong mas malala pa ang pinagdadaanan kaysa sayo, pero Masaya at Lumalaban. Lahat tayo susubukin ng panahon at problema pero yan ang magpapatatag sayo, kaya “Think Happy Thoughts”. Buhay ka kaya dapat maging masaya ka dahil nagagawa mo pang ma-enjoy ang buhay na meron ka. At sa tuwing nalulungkot ka, kausapin mo ang magulang, kaibigan at pwede ka din mag-share sa aming page na NOYPinancial. ☺️
