Posted in #BLOGmas Series

#BLOGmas Day10 (Keep Going)

“Keep Going. Keep Growing!”

Ang buhay ay parang orasan, hindi mo pwedeng ihinto kapag naubusan ka ng battery. Para din itong binhi na kapag itinanim, ay dapat na tumubo at mamunga dahil kung ikaw ay tumigil sa pag-didilig at pag-aalaga sa halaman, siguradong mamamatay ito.

Maraming bagyo ang darating. Yung mga bagyong hindi mo inaasahan at hindi mo napaghandaan. Pero hindi ito dahilan para sumuko ka na. Hindi din dahilan na kapag sumuko na ang iba sa pangarap nila ay susuko ka na din. Ikaw ang tutupad sa pangarap mo. Sa bawat pagsira ng bagyo sa mga binhi mong itinanim, maniwala kang gaganda ulit ang panahon at magiging masagana ulit ang bunga.

Kung may mga pangarap kang sa tingin mo ay malayo pa sa katotohanan, maniwala ka kakayanin mo yan. Wag kang susuko dahil magtatagumpay ka din. May sarili kang kakayahan na wala sa iba kaya kung kaya ng iba, kakayanin mo din yan. Sa bawat pagkakamali ay may bagong matututunan na magiging sandata mo sa mga susunod pang unos.

Kung may problema ka ngayon at pagdududa sa sarili mo, sa mga tao sa paligid mo o sa mga nangyayari, “May panahon ng PAGTATANIM AT may PANAHON ng PAG-ANI.”

#BLOGmas #KeepGoing #NOYPinancial

Leave a comment